Matagumpay na sumailalim sa Strategic Leadership for Good Governance: Refresher Course ang mga Re-Elected Officials ng Romblon, na ginanap sa Hotel Lucky Chinatown, Binondo, Manila mula Agosto 19 hanggang Agosto 20.
Dumalo sa dalawang araw na pagsasanay ang mahigit 133 na mga mayor, vice mayor, at mga Sangguniang Bayan members bilang bahagi ng Newly Elected Officials Performing Leadership for Uplifting Service (NEO Plus+++) program. Ang layunin ng programang ito ay ihanda ang mga bagong halal na opisyal sa mas responsableng pamumuno at mas epektibong pamamahala.















