Matagumpay na isinagawa ang unang batch ng Strategic Leadership for Good Governance: Refresher Course for Re-Elected Officials ng Marinduque, na ginanap sa Hotel Lucky Chinatown, Binondo, Manila mula Agosto 11 hanggang Agosto 12.
Dumalo sa dalawang araw na pagsasanay ang 37 na mga mayor, vice mayor, at mga miyembro ng Sangguniang Bayan mula sa mga bayan ng Boac, Buenavista, Mogpog at Santa Cruz, bilang bahagi ng Newly Elected Officials Performing Leadership for Uplifting Service (NEO Plus+++) program. Ang layunin ng programang ito ay ihanda ang mga bagong halal na opisyal sa mas responsableng pamumuno at mas epektibong pamahalaan.















