The Youth’s Choice: A Drug Free Life

Matagumpay na naisagawa ng DILG MIMAROPA katuwang ang DILG Occidental Mindoro ang Youth Engagement advocacy activity against illegal drugs na may temang “The Youth’s Choice: A Drug-Free Life” noong ika-28 ng Nobyembre, 2025, sa Provincial Capitol Complex, Occidental Mindoro.

Dinaluhan ito ng mga mag-aaral mula sa Occidental Mindoro National High School, sa pangunguna ng kanilang mga class advisers.

Naging posible ang nasabing gawain sa pakikipagtulungan ng Provincial Government ng Occidental Mindoro sa pamumuno ni Gov. Eduardo Gadiano, kasama ang PDEA Occidental Mindoro at Occidental Mindoro Police Provincial Office.

Layunin ng programa na bigyan ng tamang kaalaman at gabay ang kabataan upang makapili ng maayos, ligtas, at makabuluhang landas na malayo sa masamang impluwensya ng ilegal na droga.

Sa ikalawang bahagi ng programa, inihayag naman ang mga nagwagi sa Creative Advocacy Competition, kabilang ang poster making at short film-making contests na nilahukan ng mga estudyante mula sa iba’t ibang bahagi ng MIMAROPA Region. Ipinakita ng mga kalahok ang kanilang pagkamalikhain at suporta sa adbokasiya kontra-illegal na droga, na nagpatibay sa layunin ng programa na hikayatin ang kabataan na maging aktibong tagapagtaguyod ng isang drug-free community.

Patuloy nating itaguyod ang isang komunidad na ligtas, malusog, at malayo sa bisyo. Sama-sama, piliin natin ang buhay na malaya sa droga.