Matagumpay na naisagawa noong ika-24 ng Agosto ang ‘Anti-Drug Abuse Council Performance Audit’ para sa taong 2019 at 2020 sa pangunguna nina Panrehiyong Patnugot Wilhelm Suyko at Kawaksing Parehiyong Patnugot Rey Maranan.
Ang ADAC Performance Audit ay alinsunod sa DILG Memorandum Sirkular Bilang 2021-027 kung saan pinagtibay ang pagsasagawa ng Performance Audit upang masuri ang functionality level ng mga panlalawigan, panlungsod at pambayan na ADAC sa taong 2019 at 2020.
Kabilang sa miyembro ng ART na dumalo sa pagpupulong ay ang mga kinatawan ng PDEA MIMAROPA at PRO MIMAROPA, kasama ang mga kinatawan ng Civil Society Organization (CSO) mula sa Partnership of Philippine Support Services Agencies, Inc. (PHILSSA) na si G. Benedict O. Balderrama at gayundin si G. Alvin T. Panaligan mula sa KABALIKAT Charity Civic Communicator Inc. ng Occidental Mindoro.
Para sa taong 2019, umabot sa 20 Provincial/City/Municipal ADACs ang nakasungkit ng ‘High Functionality’ at 50 naman ang napabilang sa ‘Moderately Functional’. Samantala, sa kabuung 78 na ‘local ADACs’, walo rito ang napabilang sa ‘Low Functionality’.
Layunin rin ng programang ito na mabigyan ng parangal ang mga katangi-tanging ADAC na masigasig na nagpapatupad ng kanilang mga mandato sa pagsugpo ng iligal na droga sa kanilang nasasakupan. Nais rin ng kagawaran na maisaayos ang epektibong mekanismo ng pagsusuri ng mga ADAC at makapagbigay ng karampatang interbensyon upang mapalakas pa ang kanilang kapasidad.
Para naman sa taong 2020, tumaas sa 31 na bilang ang mga ‘Local ADACs’ na napabilang sa kategoryang ‘Highly Functional’. Bumaba naman sa 42 ang kabuuang bilang ng mga ADACs na napasailalim sa kategoryang ‘Moderate Functionality’. Gayundin, mula sa pito noong 2019, lima na lamang sa 78 ADACs sa Rehiyon ang nanatili sa kategoryang ‘Low Functionality’.
Nina:
LGOO V Myla B. Panganiban & ADAC RTA Kyn Joshua J. Medina