Ang San Jose, Occidental Mindoro ay dineklarang nasa ilalim ng βstate of calamityβ dahil sa tagtuyot na dala ng El NiΓ±o. Kaya naman, nagsagawa ang Pangulo ng Super KADIWA upang ipamahagi ang suporta at magbigay ng tulong sa mga magsasaka, mangingisda, at mga bulnerableng sektor ng nasabing lalawigan.
Ang pagtitipon ay pinangunahan ng Kagawaran ng Agrikultura (DA) sa pakikipagtulungan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Kanlurang Mindoro kasama ang ibaβt ibang ahensya ng gobyerno, tulad ng DILG, DSWD, DTI, DOH, DICT, GSIS, SSS, DFA, PRC, PSA, TESDA, PAG-IBIG, Philhealth, at DOLE na nagdala ng tulong pinansyal, kagamitang panghanapbuhay, binhi, bigas, serbisyong medikal, oportunidad panghanapbuhay, at iba pang serbisyo ng pamahalaan.
Lahat ng mga alkalde ng mga bayan sa Kanlurang Mindoro ay nakiisa kasama ang mga pangunahing opisyal ng ibaβt ibang ahensya ng pamahalaan tulad ng ating Kalihim Atty. Benjamin βBenhurβ Abalos Jr. at ASec. Elizabeth Lopez-De Leon na sinamahan nina RD Karl Caesar Rimando, CESO III, ARD Rey S. Maranan, PD Juanito D. Olave Jr. , piling mga MLGOOs, at mga empleyado ng sentral, panrehiyon, at panlalawigang tanggapan ng Kagawaran.