Lumagda ng Statement of Commitment ang DILG MIMAROPA at UP School of Urban and Regional Planning ngayong umaga ng Biyernes, Mayo 24.
Layunin ng SOC na palakasin ang kapasidad at kakayahan ng mga lokal na pamahalaan sa MIMAROPA sa pamamagitan ng pagtukoy sa mga competency gaps (knowledge, skills, and attitude) sa local development planning at makabuo ng programa na maaaring tumugon sa mga ito.
Pinangunahan nina DILG MIMAROPA Regional Director Karl Caesar R. Rimando, CESO III at UP SURP Dean Dina C. Magnaye, PhD, EnP ang nasabing paglagda na sinaksihan naman nina DILG MIMAROPA Assistant Regional Director Rey S. Maranan, CESO IV, UP SURP Office of Training and Extension Services Director Kristine F. Aspiras, EnP, ng Technical Working Group for Local Development Planning ng DILG MIMAROPA at mga miyembro ng UP SURP Office of Training and Extension Services.