Nakipagdayalogo ang DILG MIMAROPA sa mga lokal na pamahalaan at mga ahensyang pangrehiyon upang talakayin ang pagpapatupad ng mga proyektong may kinalaman sa Support to the Barangay Development Program (SBDP) sa Subic Bay Freeport Zone, Olongapo City noong Abril 24.
Masusi ring tinatalakay ang mga hamon at suliranin na kinakaharap ng bawat LGU sa implementasyon ng SBDP projects.
Personal itong dinaluhan nina OPDS Assistant Director Rene Valera, Regional Director Karl Caesar Rimando, CESO III, Assistant Regional Director Rey Maranan, CESO IV, Assistant Secretary Engr. Rosve Henson at Regional Director Peter Daniel Fraginal ng Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD), Chief Budget and Management Specialist Christian Mendoza ng Department of Budget Management (DBM), mga provincial directors, mga punong ehekutibo at kinatawan ng iba’t ibang mga bayan sa Occidental Mindoro, Oriental Mindoro at Palawan.
Matapos ang pagpupulong ay pinagtibay ng mga dumalo ang mga hakbang na kinakailangan upang masiguro na mabilis na matatapos ang mga proyektong SBDP sa buong MIMAROPA.