Idinaos ang MIMAROPA Local Governance Conference cum MIMAROPA Multistakeholder Advisory Council (MSAC) Meeting: Strengthening the CapDev Ecosystem in the MIMAROPA Region Towards Good Local Governance nitong ika-27 hanggang ika-28 ng Hunyo, 2024 sa Sequoia Hotel Manila Bay, lungsod ng ParanaΓ±aque.
Layunin ng Conference na palakasin ang Capacity Development Ecosystem ng rehiyon.
Nagbigay gabay sa usapin si DILG MIMAROPA Assistant Regional Director at LGRC Manager Rey S. Maranan, CESO IV kung saan binigyang diin nya ang kahalagahan ng collaboration at convergence ng MSAC para matulungan ang mga pamahalaang lokal sa pagkamit ng pinaka-inaasam na Seal of Good Local Governance.
Dinaluhan ito ng iba’t ibang MSAC partner members kabilang na sila RD Reynaldo O. Wong ng CPD MIMAROPA, ARD Donna Mayor-Gordove ng DENR MIMAROPA, at Professor Ernesto M. Serote ng UP SURP. Kasama rin bilang facilitators ang mga piling kinatawan ng Local Government Academy na sila Myra Gialogo, Christopher Llarenas, at Jason Carreras.