Dinaluhan rin ito nina Regional Director Karl Caesar Rimando, CESO III (DILG MIMAROPA), Regional Director PBGen Rogel L. Quesada (PRO MIMAROPA), Cong. Alfonso V. Umali, Jr., at ilang mga alkalde ng lalawigan.
Ang nasabing government center ay naitayo sa pamamagitan ng donasyong-lupa mula sa lokal na pamahalaan ng Bongabong sa pamumuno ni Mayor Eligio A. Malaluan at ng Sangguniang Bayan. Ayon sa plano ng munisipyo at kasunduan sa mga piling ahensya ng gobyerno, ang mga tanggapang pang-rehiyon ng DILG, Special Action Force (SAF) ng Philippine National Police (PNP) ay magtatayo din ng kani-kanilang mga tanggapan at training center sa lugar na ito.
Kasabay ding pinasinayaan ng butihing Kalihim ang bagong tayong Dialysis Center sa bayang ito na magbibigay serbisyo sa mga mamamayan na hindi na kailangan pang lumuwas o magpunta sa ibang bayan para kumuha ng kahalintulad na serbisyong medikal.
Tampok din sa pagdalaw ni Secretary Abalos ay ang paggawad ng mga sertipiko sa benepisyaryo ng Local Government Support Fund (LGSF) para sa taong 2023 hanggang 2024.