Matagumpay na naisagawa ng panrehiyong tanggapan ng DILG MIMAROPA, katulong ang ibang ahensya ng pamahalaan at Civil Society Organizations, ang iba’t ibang uri ng Performance Audits/Assessments sa mga pamahalaang panlalawigan at Highly Urbanized City (HUC). Sa loob ng isang linggo, masusing sinuri ng Regional Assessment Teams/Committee ang functionality ng mga local councils at LTs sa mga sumusunod na petsa:
2. 8 May 2024 – POC Performance Audit;
4. 10 Mayo 2024 – LTIA Assessment.
Nilalayon ng nasabing pagtatasa na suriin ang functionality ng mga local councils at LTs gamit ang mga parametro at kriterya na itinakda ng mga alituntunin at gabay sa pagsusuri. Ang resulta nito ay ipapabatid sa mga pamahalaang panlalawigan at HUC upang maging gabay nila sa kanilang pagpaplano kung paano nila tutugunan ang mga nakitang kakulangan at pagbutihin pang lalo ang pagganap sa kanilang mga tungkulin.
Hindi magiging matagumpay ang pagsasagawa ng mga nasabing Performance Audits/Assessments kung wala ang taos pusong suporta at aktibong pakikilahok ng mga sumusunod na mga ahensya at CSOs: PRO, PDEA, BFP, BJMP, 2nd Infantry Division, DSWD, National Nutrition Council (NNC), DepEd, NEDA, Liga ng mga Barangay, Kabalikat Charity Civic Communicator Inc., at Philippine EAGLES Romblon Marble Region.