Nakiisa ang DILG MIMAROPA sa BIDA Ka sa Fire Square Road Show na ginanap sa Megratrade Hall, Megamall, lungsod ng Mandaluyong, nitong Sabado, Agosto 10.

Dinaluhan ito nina Assistant Regional Director Rey Maranan, CESO IV at mga piling kawani ng DILG MIMAROPA.

Ang nasabing gawain ay pinangunahan ng Kagawaran ng Interyor at Pamahalaang Lokal at Kawanihan ng Tagapangalaga Laban sa Sunog para suportahan ang kampanya kontra illegal na droga at pagyamanin ang kaligtasan, seguridad at disiplina ng mga komunidad.