Nakiisa ang DILG MIMAROPA sa Programang Handog ng Pangulo: Serbisyong Sapat Para sa Lahat sa lalawigan ng Occidental Mindoro na ginanap sa bayan ng Mamburao nitong Biyernes, Setyembre 13.
Personal itong dinaluhan ni DILG MIMAROPA Regional Director Karl Caesar Rimando, CESO III, DILG Occidental Mindoro Provincial Director Juanito Olave, Jr., CESO V, CAO Chief Atty. Pilipinas Baclayen at LGCDD Chief Ma. Teresita Iglesia.
Sa nasabing aktibidad, nagkaloob ng libreng serbisyo at namahagi ng ayuda ang ibaβt ibang ahensya gaya ng DOH, DTI, DA, DOLE, PSWDO, PSA, PESO, SSS, GSIS, Kadiwa ng Pangulo at TESDA sa mga MindoreΓ±os.
Layunin ng nasabing programa na ilapit ang mga serbisyo ng pamahalaan sa taumbayan at maipakilala ang ilan sa mga pangunahing programa ng ibaβt ibang ahensya ng gobyerno.