ππππ, π‘πππππ¦π π¦π ππ¦ππ‘ππππͺππ‘π πππ₯π -π§π’-π ππ₯πππ§ π₯π’ππ π‘ππ§πͺπ’π₯π π£πππ‘ πͺπ’π₯ππ¦ππ’π£ π‘π ππ-ππππ π£ππ₯π π¦π π ππ π£π₯π’πππ‘π¦π¬π π‘π π ππ‘ππ’π₯π’
Matagumpay na isinagawa ng Department of Agriculture sa pamamagitan ng Bureau of Agriculture and Fisheries Engineering (DA-BAFE) kasama ang DILG, DOT, DPWH, DTI at DAR ang “Workshops on the Localization of the National Farm-to-Market Road Network Plan (FMRNP) 2023-2028” para sa mga probinsya ng Oriental Mindoro at Occidental Mindoro na ginanap sa Vencioβs Hotel and Restaurant, Calapan City mula Hulyo 10 hanggang 12.
Layunin ng workshop na makabuo ng Localized FMR Network Plan gamit ang Geographic Information System for Agricultural and Fisheries Machinery and Infrastructure (GeoAgri).
Dinaluhan ng mga opisyal at technical staff mula sa mga ahensyang miyembro ng National Coordination and Monitoring Committee, mga punong bayan kasama ang kanilang mga Municipal/City Planning and Development Officers (MPDO) at Municipal/City Agricultural and Biosystems Engineers (ABE) ang aktibidad.
Ibinahagi naman ni DILG Oriental Mindoro Cluster Head Ariel Reginio ang mensahe ng pasasalamat ni DILG MIMAROPA Regional Director Karl Caesar Rimando, CESO III sa lahat ng mga lokal na pamahalaan na naglaan ng oras para dumalo sa nasabing aktibidad. Anya, malawak ang magiging epekto ng FMRNP sa kabuhayan ng mga mamamayan gayundin upang mapabuti ang mga programa para sa agrikultura, food security at nutrisyon.
βAng FMRNP ay isang mahalagang plano ng ating nasyunal na pamahalaanβ¦ ang lokalisasyon nito sa pamamagitan ng pagsasaalang-alang nito sa mga mga plano ng mga lokal na pamahalaan ay magbubunsod sa mas agresibong mga programa para sa agrikultura, food security, nutrisyon at iba pa,β dagdag ni Direktor Rimando.
Nagsilbing resource person naman si DMO III Judenn MascareΓ±as at tinalakay ang Infrastructure Governance in Local Development Projects.
Sa huling araw ng workshop, ginarantiya naman ni Undersecretary for Project Development Management Atty. Odilon Pasaraba, CESO III sa mga lokal na pamahalaan na palaging nakaagapay ang DILG sa kanilang mga gawain at proyektong pangkaunlaran.
βThe DILG understands the necessity and importance of these initiatives for your respective local government units, and I can assure you of our willingness to extend our support. As such, I also encourage you to seek the DILG’s help through various initiatives and financial assistance, such as the Financial Assistance for Local Garment Units or the FALGU. Nakasisigurado po, na kaagapay ninyo ang inyong DILG at nandito po kami upang suportahan kayo,β saad ni USec. Pasaraba