Matagumpay na isinagawa ng Office of Project Development Services – Water Supply and Sanitation Sector (OPDS-WSSS) ang Skills Enhancement Training para sa paghahanda ng Municipal Water Supply and Sanitation Master Plans (MWSSMP) na ginanap sa Brentwood Suites, Lungsod ng Quezon mula Oktubre 1 hanggang Oktubre 3.
Layunin ng nasabing pagsasanay na palakasin ang kapasidad ng mga lokal na pamahalaan sa pagsusuri, pagpaplano, at pag-programa ng WaSH (Water, Sanitation and Hygiene), gamit ang mga pinahusay na sector planning tools.
Ang nasabing aktibidad ay nilahukan naman ng mga Municipal Planning and Development Officers, Engineers, Health Officers, at iba pang mga opisyal ng LGU mula sa CAR, Rehiyon II, Rehiyon IV-A, and MIMAROPA.
Dinaluhan naman ni Assistant Regional Director Rey Maranan, CESO IV ang pambungad ng programa para magbahagi ng mensahe ng pagtanggap sa mga bisita.