Matagumpay na isinagawa ng RPOC MIMAROPA ang 3rd Quarter CY 2024 Full Council Meeting na ginanap sa Brentwood Suites, Lungsod ng Quezon nitong Martes, Setyembre 24.
Pinangunahan ito ni RPOC Chairperson at Occidental Mindoro Governor Eduardo Gadiano . Nakiisa rin sina Regional Operations Chief PCol Hordan Pacatiw (PRO MIMAROPA), Commander BGen Cerilo Balaoro, PA (2ID), Capt. Flitzerald Caรฑete, PN, MNSA (AFP WESCOM), Regional Director Karl Caesar Rimando, CESO III (DILG MIMAROPA), Romblon Governor Jose Riano at iba pang mga miyembro ng RPOC.
Sentro ng talakayan ang kalagayan ng โinternal securityโ sa rehiyon lalo na ang sitwasyon sa West Philippine Sea, paglaban sa ilegal na droga, pangkalahatang kalagayan ng kapayapaan at kaayusan sa MIMAROPA, mga naitalang insidente ng sunog at hakbangin para maiwasan ito, Situational Awareness and Knowledge Management ng JRTF-ELCAC at pagbahagi ng inisyal na resulta ng 2023 POC Performance Audit.
Nagtapos ito sa paggawad ng sertipiko ng komendasyon kina NICA Regional Director Ariel Perlado at 2ID Commander Roberto Capulong, PA.