Masayang tinanggap nina Regional Director Karl Caear Rimando, CESO III at Assistant Regional Director Rey Maranan, CESO IV sina Component Lead Dr. Divina Luz Lopez at Project Coordinator Don Parafina ng United States Agency for International Development (USAID) sa kanilang naging pagbisita sa DILG MIMAROPA nitong Miyerkules, Setyembre 25.

Layunin ng nasabing pagbisita na talakayin ang USAID CHANGE Project Proposal na magbibigay ng teknikal na tulong sa DILG MIMAROPA para sa Adoption of Local Governance Process Democratization Continuum (LGPDC) at CSO Agenda Development sa iba’t ibang lalawigan at munisipalidad sa rehiyon.