Matagumpay na isinagawa ng RTF-ELCAC MIMAROPA ang 3rd Quarter Council Meeting nito na ginanap sa Madison 101 Hotel + Tower, lungsod ng Quezon nitong Biyernes, Setyembre 20.

Pinangunahan ito ni Cabinet Officer for Regional Development and Security (CORDS) MIMAROPA at DICT Secretary Ivan John E. Uy. Nakiisa rito sina Regional Director Ariel Perlado, MNSA (NICA MIMAROPA), BGen Randolph Cabangbang (203IB), Regional Director Karl Caesar Rimando, CESO III (DILG MIMAROPA) at iba pang mga miyembro ng JRTF ELCAC MIMAROPA.

Sumentro ang nasabing pagpupulong sa pagtalakay ng estado ng mga proyektong irigasyon sa Mindoro, pamamahala sa mga kaso ng insurhensiya sa rehiyon, Situational Awareness and Knowledge Management, Revised NTF-ELCAC Roadmap at paghalal ng bagong Chairman ng Technical Working Group.