Matagumpay na isinagawa ng Joint Regional Task Force to End Local Communist Armed Conflict (JRTF-ELCAC) MIMAROPA ang FY 2025 1st Quarter Full Council Meeting na ginanap sa Hotel Lucky China Town, Binondo, Manila nitong Martes, Marso 25.

Pinangunahan ito ni DICT Undersecretary Paul Joseph Mercado. Nakiisa rito sina Deputy Director Monico Batle (NTF-ELCAC), Regional Director Emmy Lou Delfin (DICT MIMAROPA), MGEN Cerilo Balaoro Jr. (2ID), Capt. Oliver Obongen (AFP WesCom) at iba pang miyembro ng JRTF-ELCAC.

Bahagi ng nasabing pagpupulong ang pagtalakay ng NTF-ELCAC sa National Action plan for Unity, Peace and Development 2025-2028. Ibinahagi ng National Housing Authority ang programang pabahay para sa mga rebeldeng nagbalik-loob.

Tinalakay naman ng 2nd Infantry Division at AFP Western Command ang kalagayan ng internal security ng rehiyon at ng West Philippine Sea. Samantala, sumentro ang DICT MIMAROPA sa mga nagawa at napagtagumpayan ng JRTF-ELCAC para sa unang kwarter ng taon.