Dati, kailangang magbuhat ng mga magsasaka ng sako-sakong ani tulad ng mais, palay, saging, at niyog sa mapuputik na daan sa Barangay San Isidro, Bulalacao, Oriental Mindoro. Nagbigay-daan ang Php 17 milyong farm-to-market road na pinondohan sa pamamagitan ng Local Government Support Fund-Support to the Barangay Development Program (LGSF-SBDP) upang baguhin ang buhay ng mga magsasaka sa komunidad.
Ngayon, malaking ginhawa ang hatid ng bagong kalsada. Mas mabilis na ang transportasyon ng mga produkto at nabawasan ang gastos ng mga magsasaka. Para kay Rosielyn Lignis, higit na naging madali ang pagdadala ng ani sa pamilihan, habang mas ligtas at komportable na rin ang biyahe ng mga mag-aaral. Ang proyekto ay naging tunay na lakas ng Barangay San Isidro at nagbibigay-pag-asa para sa mas maunlad na kinabukasan ng lahat.
Ang kuwento ng Barangay San Isidro ay patunay na sa sama-samang pagkilos at malasakit, kayang baguhin ang buhay ng bawat isa. Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa proyektong ito, bisitahin ang https://subaybayan.dilg.gov.ph/projects/45742 o i-scan ang QR code na nasa larawan.
I-monitor ang iba pang proyekto sa inyong komunidad gamit ang 𝗦𝘂𝗯𝗮𝘆𝗕𝗔𝗬𝗔𝗡 𝗣𝗼𝗿𝘁𝗮𝗹. Bisitahin ang https://subaybayan.dilg.gov.ph/.