Ang 𝗚𝗔𝗟𝗜𝗡𝗚 𝗠𝗜𝗠𝗔𝗥𝗢𝗣𝗔 𝗤𝟰 𝟮𝟬𝟮𝟰 𝗔𝗪𝗔𝗥𝗗𝗜𝗡𝗚 𝗖𝗘𝗥𝗘𝗠𝗢𝗡𝗬 𝗚𝗔𝗟𝗜𝗡𝗚! 𝗠𝗜𝗠𝗔𝗥𝗢𝗣𝗔 (𝗚𝗔𝘄𝗮𝗱 𝗟𝗜𝗡𝗚𝗸𝗼𝗱! 𝗠𝗶𝗠𝗮𝗥𝗼𝗣𝗮) ay kumikilala sa kultura ng kahusayan at pagtutulungan ng DILG MIMAROPA tungo sa pagtitiyak ng kapayapaan at kaayusan, kaligtasan at seguridad ng publiko, pagpapaigting ng kahusayan sa pamamahala sa lokal, at pagtataguyod ng matatag at mapagkakaisang komunidad. Habang patuloy tayong nagsusumikap para sa isang mas mabuting MIMAROPA, pinahahalagahan at kinikilala natin ang kadalubhasaan at pagsisikap ng mga kawani ng DILG MIMAROPA. Ngayong araw, ipinagmamalaki naming ginagawad ang pambihirang tagumpay ng aming mga pinakamahuhusay na kawani sa administratibo at teknikal para sa ika-4 Quarter ng Program Year 2024, tulad ng sumusunod:

1. 16 field officers bilang Top 10 MLGOOs
2. Best Service Team – ST 2 ng Romblon na binubuo ng mga MLGOOs ng Alcantara, Romblon, Santa Fe, at San Jose
3. Silver Award – DILG Calapan City na pinamumunuan ni City Director Ivan Stephen F. Fadri, CESO V
4. Best Provincial Office – DILG Occidental Mindoro na pinamumunuan ni PD Juanito D. Olave, Jr., CESO V
5. Best Provincial Team – DILG Romblon na pinamumunuan ni Frederick C. Gumabol, CESO V
6. 17 Matino, Mahusay at Maaasahan Awards para sa Other-LGOOs
7. 23 Matino, Mahusay at Maaasahan Awards para sa mga Non-LGOOs

Binigyan din ng pagkilala ang mga MLGOO na nagpakita ng natatanging kontribusyon at hindi matatawarang pagsisikap sa mga sumusunod:

1. 38 Field Officers na may Seal of Good Local Governance for Barangay (SGLGB) National Passers
2. 31 Field Officers na may 2024 Seal of Child-Friendly Local Governnance (SCFLGA) Conferees
3. 8 MLGOOs na may Lupong Tagapamayapa Incentives Awards (LTIA) Awardees para sa taong 2024

Pagbati sa mga Matitino, Mahuhusay, at Maaasahang kawani ng DILG MIMAROPA!