𝐃𝐈𝐋𝐆 𝐌𝐈𝐌𝐀𝐑𝐎𝐏𝐀, 𝐊𝐚𝐢𝐬𝐚 𝐬𝐚 𝐏𝐚𝐠𝐝𝐢𝐫𝐢𝐰𝐚𝐧𝐠 𝐧𝐠 𝐑𝐞𝐠𝐢𝐨𝐧𝐚𝐥 𝐈𝐂𝐓 𝐌𝐨𝐧𝐭𝐡 𝐒𝐮𝐦𝐦𝐢𝐭 𝟐𝟎𝟐𝟓
Bilang pakikiisa ng DILG MIMAROPA sa pagdiriwang ng 𝗡𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻𝗮𝗹 𝗜𝗖𝗧 𝗠𝗼𝗻𝘁𝗵 𝟮𝟬𝟮𝟱, dumalo sina ARD Rey S. Maranan at PD Maria Victoria Del Rosario sa Regional ICT Summit na inorganisa ng DICT MIMAROPA sa Balai Mindoro nitong Hunyo 20, 2025.
Sa taong ito, ang tema ng pagtitipon ay “𝙒𝙖𝙡𝙖𝙣𝙜 𝙄𝙬𝙖𝙣𝙖𝙣 𝙨𝙖 𝘿𝙞𝙜𝙞𝙩𝙖𝙡 𝘽𝙖𝙮𝙖𝙣𝙞𝙝𝙖𝙣.” Sa pamamagitan nito’y binigyang-diin ang kahalagahan ng sama-samang pagtutulungan tungo sa isang makabago, inklusibo, at digital na bayan.
Patuloy na sinusuportahan ng DILG ang mga lokal na pamahalaan sa kanilang pagsusulong sa 𝗱𝗶𝗴𝗶𝘁𝗮𝗹 𝘁𝗿𝗮𝗻𝘀𝗳𝗼𝗿𝗺𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻 at serbisyong may malasakit. 

