Kaisa ng sambayanang Pilipino ang DILG MIMAROPA sa pagdiriwang ng ika-127 na Taon ng Kalayaan ng Pilipinas. Sa temang “Kalayaan. Kinabukasan. Kasaysayan.”, inaalala natin ang sakripisyo ng ating mga bayani at ang matatag na diwa ng pakikibaka para sa kalayaanโ€”isang pamana ng tapang, dangal, at pagkakaisa.

Ang ating kasaysayan ay hindi lamang kwento ng nakaraan, kundi gabay sa pagtahak sa landas ng kinabukasan. Bilang ahensyang may mandato sa pagtataguyod ng mahusay na pamahalaan at mapayapang pamayanan, isinusulong ng Kagawaran ang tunay na diwa ng kalayaanโ€”isang lipunang may boses ang bawat mamamayan, may katarungan, at may pantay na oportunidad para sa lahat.

Mapagpalayang araw, MIMAROPANs!