Pinangunahan ng Tanggapan ng Serbisyo sa Pagpapaunlad ng Proyekto (OPDS) katuwang ang DILG MIMAROPA ang pagsasanay tungkol sa Project Proposal Packaging na ginanap sa Haroldβs Event and Hotel, Lungsod ng Quezon.
Unang isinagawa ang nasabing aktibidad noong Abril 22-25 habang ang ikalawang bahagi naman noong Abril 27-30.
Dumalo sa aktibidad si Regional Director Karl Caesar Rimando, CESO III, at binigyang-diin ang kahalagahan ng pagsasanay sa pagpapalawak ng kaalaman sa paggawa ng mga project proposal.
βAng mga matututunan ninyo dito ay maaari nating maibahagi sa mga LGUs upang matulungan silang matukoy ang mga project goalsβna magpapalakas sa kanilang tsansa na makakuha ng suporta para sa mga pangunahing proyektong pangkaunlaran,β ani ni RD Rimando.
Kasama sa mga tinalakay sa pagsasanay ang Proposal Framework, paggawa ng project narrative, at financial plan. Nagkaroon din ng pagkakataon ang mga kalahok na gumawa ng kanilang sariling project proposals at mag-presenta ng mga ito upang ilapat ang kanilang natutunan.