Nakilahok si DILG MIMAROPA Regional Director Karl Caesar R. Rimando, CESO III, sa pagsuri at pagpili ng mga likhang sining ng nga Persons Deprived of Liberty (PDL) mula sa iba’t ibang lalawigan ng MIMAROPA na ginanap sa Xentro Mall, Batangas City nitong Huwebes, Mayo 16.
Nilalayon ng nasabing patimpalak na itampok ang talento at husay ng nga PDLs sa larangan ng pagpinta, paggawa ng handicraft, at musika.
Sa kanyang mensahe, tinuran ni Dir. Rimando na ang pagpapamalas ng talento at husay ng mga PDLs sa pamamagitan ng sining ay nangangahulugan na bagama”t sila ay nagkamali sa isang punto ng kanilang buhay, ang mga PDLs ay may pagkakataon na magbago at ituwid ang kanilang landas at sa huli’y maging produktibong miyembro ng komunidad. Kanya ring binigyang diin ang kahalagahan ng pamilya, lalo na ng mga magulang, sa pagsugpo ng ipinagbabawal na gamot.
Sa pagtatapos ng patimpalak, idineklara ang mga nanalong kalahok sa iba’t ibang katergorya na may pagkakataong mapili at manalo sa national level.
Katulong ang Ciara Marie Abalos Foundation, ang nasabing gawain ay pinangunahan ng BJMP sa ilalim ng pamumuno ni RD JSSUPT Clarence E Mayangao at dinaluhan ng mga kawani mula sa DILG, PNP, BFP, at LGU ng Batangas City.