Bumisita at nakipagdayalogo ang mga opisyal ng DILG MIMAROPA sa mga lokal na pamahalaan ng Odiongan, San Andres at Sta. Maria nitong Miyerkules, Mayo 29.
Layon ng nasabing pagbisita na alamin ang mga hamon na kinakaharap ng mga nasabing bayan, gayundin upang magbigay-gabay sa pagkamit ng Seal of Good Local Governance (SGLG).
Nagkaroon din sila ng malalimang diskusyon ukol sa mga hakbangin upang mapabuti ang pagtitiyak sa kalidad ng pamamahala, lalo na sa aspeto ng pagsasaayos ng mga sistema at proseso ng lokal na pamahalaan. Nagbigay rin ang mga opisyal ng ilang paalala patungkol sa mga proyektong may kinalaman sa FALGU at LGSF-GEF.
Ang nasabing pagbisita ay pinangunahan ni Regional Director Karl Caesar Rimando, CESO III, kasama sina Romblon Provincial Director Frederick Gumabol, CESO V, FAD Chief Atty. Pilipinas Baclayen, LGMED Chief Andrew Gonzalvo, LGCDD Chief Ma. Teresita Iglesia, at PDMU Head Lorenzo Suarez.
Masaya naman silang tinanggap nina Odiongan Mayor Trina Firmalo-Fabic, San Andres Mayor Arsenio Gadon at Sta. Maria Mayor Lorilie Fabon.