Naging panauhin ng PIA MIMAROPA ang DILG MIMAROPA kasama ang BFP at BJMP sa programang Kapihan sa Bagong Pilipinas na idinaos sa Filipiniana Hotel, lungsod ng Calapan, Oriental Mindoro nitong Martes, Hulyo 30.

Nagsimula ang nasabing programa sa pambungad na pananalita ni PIA MIMAROPA Regional Head Jemin Guillermo, J.D.

Tinalakay ni Regional Director Karl Caesar Rimando, CESO III ang mga napagtagumpayang programa ng Kagawaran.

Kasama din ni Direktor Rimando sina BFP Regional Director, Fire Senior Superintendent Edwin Vargas at BJMP Assistant Regional Director for Operations Ray De Luna na nagbahagi rin ng kanilang mga programa at plano.

Nagkaroon rin ng pagkakataong makapagtanong ang ilang mamamahayag at publiko para bigyang-linaw ang iba’t ibang isyu ng bayan.