Nakiisa ang DILG Oriental Mindoro sa pamumuno ni Provincial Director Maria Victoria J. Del Rosario, CSEE, sa kasalukuyang ginaganap na Bagong Pilipinas Serbisyo Fair sa Lalawigan ng Silangang Mindoro. Tampok sa booth ng DILG OrMin ang iba’t – ibang IEC materials patungkol sa mga programa ng Kagawaran. Naglunsad din ang DILG Ormin ng Local Governance Inquiry Desk para sa mga kliyente nito.

Nakilahok din sa BPSF ang iba’t -ibang ahensiya ng pamahalaan, lokal na pamahalaan, at iba pang partner stakeholder. Ang Bagong Pilipinas Serbisyo Fair ay sinimulan ngayong araw Marso 9, 2024 at matatapos bukas Marso 10, 2024

#bagongpilipinas