Ikinakasa ng DILG MIMAROPA katuwang ang Pamahalaang Panlalawigan ng Romblon ang β€œBagong Pilipinas Town Hall Meeting” na nakatakdang isagagawa sa nabanggit na probinsya sa darating na Mayo.

Sa pagbisita ni Governor Jose “Otik” Riano sa tanggapan ni Regional Director Karl Caesar Rimando, CESO III, inihayag niya ang kaniyang buong suporta sa gawaing magsisilbing instrumento para sa aktibong paglahok ng mga Romblomanon.

Inaasahan itong dadaluhan ng iba’t ibang sektor at komunidad na tatalakay sa mga mahahalagang isyu na kinakaharap ng lalawigan.

Matatandaang ang β€œBagong Pilipinas Town Hall Meeting” ay inilunsad ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. noong Enero 28 na layong itaguyod ang β€˜transformative’ na pagbabago sa ating bansa at magsilbing β€˜master plan’ para sa tunay na pag-unlad ng mamamayan.