Masayang tinanggap ni Regional Director Karl Caesar Rimando, CESO III sina Assistant Secretary Engr. Rosve Henson at Regional Director Peter Daniel Fraginal ng Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) sa kanilang naging pagbisita sa DILG MIMAROPA nitong Lunes, Abril 15.

Sumentro ang nasabing pagbisita sa mga programa at proyekto ng DHSUD na maaaring pagtulungan ng dalawang ahensya. Binigyang-diin ng DHSUD ang mahalagang papel ng DILG upang masiguro ang epektibong implementasyon ng kanilang mga programa.

Kaugnay nito, ipinahayon naman ni Dir. Rimando ang kaniyang buong suporta sa mga layunin at adhikain ng DHSUD para sa kapakanan at kaunlaran ng mga komunidad sa rehiyon.