𝗟𝗚𝗨 𝗣𝗔𝗟𝗨𝗔𝗡, 𝗕𝗨𝗠𝗜𝗦𝗜𝗧𝗔 𝗦𝗔 𝗧𝗔𝗡𝗚𝗚𝗔𝗣𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗗𝗜𝗟𝗚 𝗠𝗜𝗠𝗔𝗥𝗢𝗣𝗔

Personal na tumungo si Mayor Michael Diaz at Vice Mayor Jasmin Fernandez kasama ang mga miyembro ng Sangguniang Bayan ng Paluan, Occidental Mindoro, Occidental Mindoro sa tanggapan ni DILG MIMAROPA Regional Director Karl Caesar Rimando, CESO III nitong Miyerkules, Abril 17.

Layunin ng nasabing pagbisita na talakayin ang mga programa at proyektong kanilang inilulunsad para sa mga mamamayan ng Paluan. Bukod dito, ibinahagi din ni Dir. Rimando ang ilang mga gabay upang makamit ng LGU Paluan ang Seal of Good Local Governance (SGLG).