Nakiisa ang DILG MIMAROPA sa isinagawang Special Cluster and Staff Meeting ng DILG Marinduque nitong Lunes, Mayo 20.

Malugod na tinanggap ni Provincial Director German Yap, CESO V si Regional Director Karl Caesar Rimando, CESO III kasama sina Assistant Regional Director Rey Maranan, CESO IV, LGCDD Chief Ma. Teresita Iglesia, LGMED Chief Andrew Gonzalvo at FAD Chief Atty. Pilipinas Baclayen.

Sumentro ang nasabing pulong sa mga natamong tagumpay, kasalukuyang mga update, at mga isyung kinakaharap ng kanilang tanggapan at ng mga MLGOOs ng probinsya.
Sa pagtatapos ng pulong, inilatag naman ng Regional Management ang ilang mga hakbangin upang mapabuti pang lalo ang serbisyo ng DILG Marinduque.