π—•π—œπ——π—” π——π—œπ—¬π—”π—Ÿπ—’π—šπ—’ π—žπ—’π—‘π—§π—₯𝗔 π—œπ—Ÿπ—˜π—šπ—”π—Ÿ 𝗑𝗔 𝗗π—₯π—’π—šπ—”, π— π—”π—§π—”π—šπ—¨π— π—£π—”π—¬ 𝗑𝗔 π—œπ—¦π—œπ—‘π—”π—šπ—”π—ͺ𝗔

Matagumpay na isinagawa ng DILG MIMAROPA katuwang ang DILG Occidental Mindoro ang Buhay Ingatan, Droga’y Ayawan: Diyalogo Kontra Ilegal na Droga na ginanap sa Mamburao, Occidental Mindoro, nitong Biyernes, Hulyo 26.

Dinaluhan ito nina DILG MIMAROPA Assistant Regional Director Rey Maranan, CESO IV, Governor Eduardo Gadiano, DILG Occidental Mindoro Provincial Director Juanito Olave, Jr., CESO V, Mayor Cesar Tria ng Magsaysay, Mayor Angelina Tria ng Mamburao, Mayor Michael Diaz ng Paluan, at mga kinatawan mula sa iba’t ibang sektor ng lalawigan.

Sumentro ang diyalogo sa pagtalakay ng mga isyu at hamon ng ilegal na droga sa mga sektor ng Law Enforcement, Prosecution and Courts, Youth Development, Civil Society Organizations, and Rehabilitation.

Nagtapos naman ang nasabing aktibidad sa panunumpa at paglagda ng mga dumalo sa Pagtatalaga ng Sarili. Matapos ito ay tumungo sila sa Inauguration and Blessing Ceremony ng Balay Silangan sa Sitio Bunot, Barangay Tayamaan.