Matagumpay na naisagawa ng DILG MIMAROPA ang Mid-Year Assembly at PPA Evaluation ng nasabing tanggapan sa pamamagitan ng Continuing Operational Alliance Leading Employees towards Synergy, Cooperation, and Excellence (COALESCE) na ginanap sa Soto Grande Hotel, lungsod ng Quezon mula Agosto 28-30, 2024.
Buong pwersang nakilahok sina Regional Director Karl Caesar Rimando, CESO III, Assistant Regional Director Rey Maranan, CESO IV, mga kawani sa pangunguna ni Hepe Ma. Teresita G. Iglesia ng Local Government Capability Development Division, Hepe Andrew B. Gonzalvo ng Local Government Monitoring and Evaluation Division, at Hepe Atty. Pilipinas D. Baclayen ng Finance Administrative Division.
Sumentro ang nasabing aktibidad sa pagtalakay sa DILG MIMAROPA Roadmap at Strategic Plan, COALESCE Framework at Capdev Analytics 2.0, DILG MIMAROPA Public Service Continuity Plan, Operations Review at iba pa.
Ang gawain ay bahagi ng pagsasabuhay ng “COALESCE Culture” ng DILG MIMAROPA kasama ang pagpapalakas ng kolaborasyon na may iisang layunin – ang good local governance sa rehiyon ng MIMAROPA.