Nagsagawa ang DILG Bureau of Local Government Development (BLGD) katuwang ang Public Affairs and Communication Service (PACS) at DILG MIMAROPA ng dokumentasyon ng LGU best practice patungkol sa implementasyon ng Community-Based Monitoring System (CBMS) sa Sta. Cruz, Marinduque mula Oktubre 7 hanggang Oktubre 9.

Tanging ang lokal na pamahalaan lamang ng Sta. Cruz, Marinduque ang napiling itampok para sa kalakhang Luzon dahil sa kanilang best practice o mahusay na pagpapatupad ng CBMS.

Ibinahagi nina Kgg. Mayor Marisa Red-Martinez, Punong Barangay Crisostomo Rogelio ng Brgy. Bangcuangan, Punong Barangay Bienvenido Palma ng Brgy. Tawiran, dating MPDC na si Agustina Palomares, at Enumerator na si Mary Grace Fidelino ang kanilang pamamaraan at mga kwento ng tagumpay sa paggamit ng CBMS data para sa lokal na pagpaplano, pagtukoy ng mga benepisyaryo, pagpapatupad ng mga programa/proyekto, maging sa pagsubaybay at pagsusuri nito.

Pinagsusumikapan ng BLGD na pataasin ang paggamit ng CBMS sa iba’t ibang lokal na pamahalaan, at itaguyod ang may informed decision-making at inclusive development sa lokal na antas.

Ang nasabing dokumentasyon ay pinangunahan nina DMO III Ramer Karlo Buot, DMO II Julius Ervin Morales at AA VI Christine Joyce Francisco (BLGD) kasama sina AA IV Noel Dayang at AA II Cornelio Sagdullas (PACS) at MLGOO Joemar Fidelino, LGOO V Reianne Mae Maranan at IO II Brian Zagala (DILG MIMAROPA).

📷 PACS, DILG MMRP