Nagsagawa ang DILG MIMAROPA Project Development and Management Unit (PDMU) ng dokumentasyon, pagsubaybay, at pagsusuri ng mga natapos na proyektong SGLGIF noong taong 2022 sa lalawigan ng Romblon.

Pinangunahan nila DILG Provincial Engr. Jona Val T. Casidsid, DILG MIMAROPA Engr. Farah Kristine L. Lucas, Project Officer Louies Carlo D. Canlas at Project Officer Angelo D. Marribay mula sa OPDS, at Information Officers Kyla Aronales at Mikaela Jean Mendezabal ang pagsausuri ng mga sumusunod na proyekto:

– Concreting of Farm-to-Market Road sa San Fernando
– Concreting of Farm-to-Market Road sa Alcantara
– Evacuation Center sa Banton
– Slaughterhouse sa San Agustin

Ang mga nadokumentong proyekto ay magiging bahagi ng Kwento ng Tagumpay na ilalathala ng OPDS. Layunin nitong ipakita sa taumbayan ang epekto at kaugnayan ng proyekto sa benepisyaryo, itaguyod ang transparency at accountability ng mga LGU sa pamamahala ng proyekto, at kilalanin ang pagsusumikap ng bawat isa sa pagpapatupad at pagkumpleto ng mga proyektong naaayon sa pamantayan.