Ang buong kawanihan ng DILG MIMAROPA ay nagpapasalamat kay 𝗔𝗧𝗧𝗬. 𝗕𝗘𝗡𝗝𝗔𝗠𝗜𝗡 ‘𝗕𝗘𝗡𝗛𝗨𝗥’ 𝗔𝗕𝗔𝗟𝗢𝗦, 𝗝𝗥., sa kaniyang ubos-lakas na paglilingkod bilang Kalihim ng Kagawaran ng Interyor at Pamahalaang Lokal (DILG).

Sa kaniyang paninilbihan, naging kasangga ng mga MIMAROPANs ang Kalihim sa iba’t ibang mahahalagang gawain sa rehiyon gaya ng BIDA Bisikleta Iglesia sa Marinduque at TaRun na Kontra Droga sa Occidental Mindoro, Bayanihang Adhikain, Bayaning Aksiyon sa Kalayaan, Palawan, pamamahagi ng ayuda sa mga biktima ng bagyo sa Romblon, pagtulong sa krisis na dulot ng oil spill sa Oriental Mindoro, Launching ng Justice Zone sa lungsod ng Puerto Princesa at marami pang iba.

Mabuhay ka, Atty. Benhur Abalos!