Isinagawa ng Tanggapan ng Serbisyo sa Pagpapaunlad ng Proyekto (OPDS) katuwang ang DILG MIMAROPA ang Training-Workshop Series for the Enhancement of the SUBAYBAYAN Portal Phase 2 sa Brentwood Suites, lungsod ng Quezon mula Agosto 27 hanggang Agosto 30, 2024.

Nagbigay ng kanilang pambungad na mensahe sina OPDS Director Alfonso Maralli, Jr., CESO IV at DILG MIMAROPA Regional Director Karl Caesar Rimando, CESO III.

Tinipon sa nasabing aktibidad ang mga hepe ng PDMU at mga Subaybayan Focal Persons ng lahat ng Panrehiyong Tanggapan ng DILG para pagandahin at gawing mas epektibo ang mekanismo ng Subaybayan upang mapabuti pa ang transparency at accountability mechanisms ng Kagawaran at ng ng mga lokal na pamahalaan (LGU) ukol sa mga proyektong pinatutupad sa komunidad.