Isinagawa ang Regional Validation para sa Seal of Good Local Governance for Barangays (SGLGB) sa tanggapan ng DILG MIMAROPA nitong Miyerkules, Setyembre 25.
Pinangunahan ni RD Karl Caesar R. Rimando, CESO III ang Regional Performance Assessment Team (RPAT) kasama sina MIMAROPA Liga ng Barangay (LnB) President Hon. Carlos F. Peralta at District External Affairs Officer Nenita B. Panaligan, RN, MAN ng KABALIKAT Charity Civic Communicator Inc.
Ang SGLGB ay nagbibigay ng pagkilala sa mga barangay na nagpapakita ng natatanging pagganap sa iba’t ibang larangan ng pamamahala.
Kabilang sa core areas ay ang Financial Administration and Sustainability, Disaster Preparedness at Safety, Peace and Order. Ang Essential Areas ay binubuo ng Social Protection and Sensitivity, Business-friendliness and competitiveness, at Environmental Management.
Isang daan at labing-apat (114) na mga barangay ng rehiyon ang sumailalim sa validation ng RPAT.