Isinagawa ng Direktor ng Rehiyon Karl Caesar R. Rimando CESO III at Pangalawang Direktor ng Rehiyon Rey S. Maranan ang isang masusing pagsusuri ngayong Lunes, Abril 22, 2024, kasama ang Panlalawigang Direktor Juanito D. Olave, Jr. at LGOO VI Dennis Beltran.

Ang pagpapagawa ng ikalawang palapag ay nagsimula noong Marso 2024 at inaasahang matapos sa Hulyo 2024.

Layunin ng Kagawaran na pagyamanin ang binahaging lote ng Pamahalaang Panlalawigan upang tiyakin ang pagiging abot-kamay ng aming mga serbisyo at upang lumikha ng mas magandang kapaligiran para sa mga tapat na kawani ng DILG – Kanlurang Mindoro na patuloy na nagpapakita ng kahusayan sa trabaho para sa bayan.