Matagumpay na isinagawa ng RPOC MIMAROPA ang 2nd Quarter CY 2024 Full Council Meeting na ginanap sa Balar Events Place, Boac, Marinduque nitong Martes, Mayo 21.
Pinangunahan ito ni RPOC Chairperson at Occidental Mindoro Governor ED Gadiano. Nakiisa rin sina Regional Director PBGen Roger Quesada (PRO MIMAROPA), Commander MGen Roberto Capulong, PA (2ID), Commander RADM Alfonso Torres, PN (AFP WESCOM), Regional Director Karl Caesar Rimando, CESO III (DILG MIMAROPA), Marinduque Governor Presbitero โ€˜Presbyโ€™ Velasco, Jr. at iba pang mga miyembro ng RPOC.

Sentro ng talakayan ang kalagayan ng โ€˜internal securityโ€™ sa rehiyon lalo na ang sitwasyon sa West Philippine Sea, paglaban sa ilegal na droga, pangkalahatang kalagayan ng kapayapaan at kaayusan sa MIMAROPA, mga naitalang insidente ng sunog at hakbangin para maiwasan ito, Situational Awareness and Knowledge Management ng JRTF-ELCAC at mga tanging gawain ng DHSUD.

Sa kabuuan, muling naghayag ng suporta ang ibaโ€™t ibang mga ahensya at lokal na pamahalaan para panatilihing maayos at payapa ang MIMAROPA.