Matagumpay na isinagawa ng DILG Romblon at Pamahalaang Panlalawigan ng Romblon, katuwang ang DILG MIMAROPA, DBM MIMAROPA, PIA MIMAROPA, at St. Vincent Ferrer Parish Multi-Purpose Cooperative ang Bagong Pilipinas-Dagyaw Town Hall Meeting na ginanap sa Odiongan, Romblon nitong Biyernes, Mayo 31.
Ang nasabing aktibidad ay pinangunahan nina Governor Jose βOtikβ Riano, Congressman Eleandro Jesus βBudoyβ Madrona, Regional Director Karl Caesar Rimando, CESO III at Provincial Director Frederick Gumabol, CESO V ng DILG, Regional Director Ricky Sanchez, CESO III ng DBM, na dinaluhan naman ng mga alkalde mula sa ibaβt ibang bayan ng lalawigan, mga kawani at civil society organizations (CSOs). Nagsilbing tagapagpadaloy ng programa sina LGOO VI Christine Meyette Latoja at Engr. Jona Val Casidsid, kasama si Squal Lei Garcia (Sign Language Interpreter).
Inilahad ng mga Town Hall Reporters na sina Ronald Geronimo ng PESO, Engr. Annaliza Escarilla ng DA, Christine Espinosa ng DOLE, Orville Mallorca ng DTI at Paul Minano ng Provincial Agriculturist Office ang mga programa at hakbang na kanilang isinusulong upang mapalakas ang ekonomiya at kabuhayan ng mga Romblomanon. Ibinahagi naman nina Fr. Billy Gregorio at Bb. Kaye Firmalo ang kanilang perspektibo sa mga naiulat na paksa.
Nagkaroon rin ng pagkakataon ang ilang Romblomanon na makapagtanong, magbahagi ng opinyon at mungkahi. Sa tulong ni G. Juniel Lucidos ng Romblon State University, nabigyang-pansin niya ang ibaβt ibang mga perspektibo, upang magkaroon ng masinsinan at kabuluhan ang diskusyon.
Sa mensahe ni Direktor Rimando, hangad niya na maging aktibo ang partisipasyon ng mga Romblomanon para sa ikauunlad ng nasabing lalawigan.
βNawaβy ang ating talakayan ay maging makabuluhan, participative at mayaman upang makapagbigay linaw at makatulong sa bawaβt isa sa atin,β sabi ni Direktor Rimando.
Aniya, dapat magkaisa ang mga ahensya ng gobyerno at ang mamayan para makamit ang iisang layunin na itaas ang antas ng pamumuhay sa lalawigan.
βInaasam natin na tayo, bilang kinatawan ng gobyerno at mamamayan, ay sama-sama sa nagkakaisang layunin: No Poverty. Walang Kahirapan. Tuloy-tuloy Tayo sa Pagpapayabong ng Kabuhayan at Karagdagang Oportunidad. Leave No One Behind. Walang Iwanan,β dagdag pa ni Direktor Rimando.