Inilunsad ng Department of the Interior and Local Government (DILG) katuwang ang Department of Information and Communications Technology (DICT) at the Anti-Red Tape Authority (ARTA) ang Electronic Local Government Unit (eLGU) System Island-wide Caravan sa Lungsod ng Baguio, nitong Miyerkules, Hunyo 5.
Personal itong dinaluhan ni Regional Director Karl Caesar Rimando, CESO III, Mayor Michael L. Orayani ng Lubang, Mayor Cesar M. Tria, Jr. ng Magsaysay, Occidental Mindoro, Mayor Elmer M. Fruelda ng Concuera, Romblon at mga opisyal mula sa 18 pang mga bayan sa MIMAROPA.
Ito ay bilang pagtalima sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., na gawing mabilis ang pagbibigay ng serbisyo ng gobyerno kabilang na ang pagpoproseso ng business permit, licenses at clearances.