𝗦𝗔𝗕𝗔𝗬𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗠𝗔𝗠𝗔𝗛𝗔𝗚𝗜 𝗡𝗚 𝗧𝗨𝗟𝗢𝗡𝗚 𝗔𝗧 𝗔𝗬𝗨𝗗𝗔 𝗣𝗔𝗥𝗔 𝗦𝗔 𝗠𝗚𝗔 𝗧𝗔𝗚𝗔-𝗠𝗜𝗠𝗔𝗥𝗢𝗣𝗔, 𝗜𝗦𝗜𝗡𝗔𝗚𝗔𝗪𝗔; 𝗣𝗔𝗡𝗚𝗨𝗟𝗢𝗡𝗚 𝗠𝗔𝗥𝗖𝗢𝗦, 𝗝𝗥. 𝗣𝗜𝗡𝗔𝗡𝗚𝗨𝗡𝗔𝗛𝗔𝗡 𝗔𝗡𝗚 𝗗𝗜𝗦𝗧𝗥𝗜𝗕𝗨𝗦𝗬𝗢𝗡 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗟𝗔𝗪𝗔𝗡, 𝗗𝗜𝗟𝗚 𝗦𝗘𝗖𝗥𝗘𝗧𝗔𝗥𝗬 𝗔𝗕𝗔𝗟𝗢𝗦 𝗡𝗔𝗠𝗔𝗡 𝗦𝗔 𝗥𝗢𝗠𝗕𝗟𝗢𝗡

Matagumpay ang isinagawang sabayang pamamahagi ng tulong at ayuda mula sa iba’t ibang ahensya ng gobyerno para sa mga taga-MIMAROPA na ginanap sa lungsod ng Puerto Princesa at bayan ng Odiongan nitong Huwebes, Hulyo 18.

Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. ang pamamahagi sa mga apektado ng El Niño sa Palawan at Marinduque na ginanap sa Edward S. Hagedorn Coliseum.

Nakiisa sa nasabing programa sina DILG MIMAROPA Regional Director Karl Caesar Rimando, CESO III at DILG Palawan Provincial Director Virgilio Tagle at naging katuwang naman ng Pangulo sa pamamahagi ng mahigit Php 58,000,000 para sa mga lokal na pamahalaan ng Dumaran, San Vicente, Roxas, Taytay, Cagayancillo at Aracelli sa ilalim ng Local Government Support Fund (LGSF), Enhanced Comprehensive Local Integration Program (ECLIP), at Barangay Official Death Benefit Assistance (BODBA).

Samantala, pinangunahan naman ni DILG Secretary Atty. Benjamin Abalos, Jr. kasama sina DSWD Secretary Rex Gatchalian, at DA Secretary Tiu Laurel Jr.ang pamamahagi ng tulong at ayuda sa bayan ng Odiongan para sa mga benepisyaryong lalawigan ng Occidental Mindoro, Oriental Mindoro at Romblon na ginanap naman sa Romblon State University. Naging katuwang naman ng Kalihim si DILG DILG Romblon Provincial Director Frederick Gumabol, CESO V sa kaniyang naging pagbisita.