Nakiisa ang buong pwersa ng DILG MIMAROPA sa unang araw ng Local Governance Summit 2024 na ginanap sa Philippine International Convention Center Plenary Hall sa lungsod ng Pasay, Agosto 22.
Pinangunahan ito ng Kagawaran ng Interyor at Pamahalaang Lokal (DILG) at Union of Local Authorities of the Philippines (ULAP) na layong palakasin ang kakayahan ng mga lokal na pamahalaan sa pamamagitan ng pagtalakay sa mga makabagong teknolohiya na magpapataas ng antas ng serbisyo publiko at maunlad na komunidad.
Dumalo sa nasabing aktibidad si Kalihim Atty. Benjamin Abalos, Jr., iba’t ibang opisyales at diplomatic corps, mga gobernador, alkalde at lokal na kinatawan ng mga probinsya at bayan sa bansa.
Naroon din sina Regional Director Karl Caesar Rimando, CESO III at Assistant Regional Director Rey Maranan, CESO IV, mga Panlalawigan/Panlungsod na Direktor at ilang mga lokal na opisyal mula sa rehiyon.
Samantala, ang mga kawani naman ng DILG MIMAROPA ang siyang namahala sa logistics na malaking tulong sa pag-organisa at pagsasagawa ng nasabing summit.