Nagsagawa ng dokumentasyon ng mga kwento ng tagumpay ng mga natapos na proyekto ng LGSF ang DILG MIMAROPA Project Development and Manegement Unit (PDMU) sa limang lalawigan ng rehiyon nitong buwan ng Agosto.

Nakapanayam sa nasabing aktibidad ang mga benepisyaryo na nakinabang sa mga proyektong patubig, pailaw, kalsada, gusaling pampaaralan, gusaling pangkalusugan at irigasyon.

Ang mga nadokumentong proyekto ay magiging bahagi ng Kwento ng Tagumpay na ilalathala ng OPDS. Layunin nitong ipakita sa taumbayan ang epekto at kaugnayan ng proyekto sa benepisyaryo, itaguyod ang transparency at accountability ng mga LGU sa pamamahala ng proyekto, at kilalanin ang pagsusumikap ng bawat isa sa pagpapatupad at pagkumpleto ng mga proyektong naaayon sa pamantayan.