Nakibahagi ang mga kawani ng DILG MIMAROPA sa Third Quarter National Simultaneous Earthquake Drill (NSED) para sa taong 2024 ngayong araw ng Huwebes, Setyembre 26.

Layunin ng NSED na mas pahusayin ang kakayahan ng bawat Pilipino na maging handa sa bawat sakuna gaya ng lindol. Layunin din ng nasabing aktibidad na suriin ang pagiging epektibo ng mga mekanismo ng bawat opisina sa paghahanda at pagtugon sa lindol at iba pang mga panganib na dulot nito.